Butog ang kanyang tribong pangalan, nakapaloob sa Tribong Ayta na matatagpuan sa Villar, Botolan, Zambales. Isinilang noong ika-4 ng Hunyo taong 1981 sa Poonbato, Botolan, Zambales. Panganay siya sa walong anak ni Ginang Arel Denito at Carlito Cabalic “Carling” Domulot at nakapaloob sa samahang LAKAS.
Walong (8) taon gulang palang natuto na sa mga gawaing bahay at sa bukid dahil sa kahirapan natutong siyang magbanat ng buto nakikipag-igib na ng tubig para may-pambaon sa eskwelahan at makatulong sa mga magulang. Naging paburito siya ng kanyang mga ka-anak dahil siya may aking kasipagan at kabaitan.
Taong 1991, sumabog ang Bulkang Pinatubo napilitang tumingil dahil natabunan na ng lahar ang kanilang lugar. Sampung beses sila palipatlipat ng evacuation center una sa Poonbato, Ogik, Tumangan, San Agustin Parish Church, Sta. Cruz Parish Church, Candelaria Elementary School, Tent City sa Palauig at ang panghuli ay sa Bihawo naging mahirap sa kanya dahil wala pa sa hustong edad nakaranas na siya ng trahedyang di niya makakalimutan. Hindi naging sagabal sa kanyang pag-aaral ang nangyari kung saan-saang pag-aaralan para makapagpatuloy. Natapos ang elementary noong 1994 sa Mababang Paaralan ng Bihawo sa tulong ng WorldVision at ng samahang LAKAS.
Taong 1994-1998 nakatapos ng High School sa Botolan High School at naging schoolar. Hindi naging madali sa dahil marami siyang natanggap na diskriminasyon sa mga ka-klase at ibang guro gaya ng “wala yan sa bundok Ita ka kasi”, “ungoy”, “ignorante” at marami pang iba. Dahil din kapos sa pang-araw-araw na pangangailan minsan walang makain, may baon nga asin lng ang ulam minsan kornek o saging pagdating sa hapon naglalakad nalang pauwi mula paaralan hanggang sa bahay na may layong sapung kilometro. Pag-sabado at linggo nakikiupa sa pagbunot at pagtatanim ng palay minsan sa construction bilang laborer. Ngunit hindi nagpadala sa pag-aapi at sa naging sitwasyon bagkus ginawa niya itong hamon, nagsumikap sa pag-aaral hanggang makatapos ng High School at pinarangalan bilang Huwarang Estudyante at nakatanggap ng Loyalty Award. At taong 1998-2000 natapos ang kursong Certificate of Applied Computer Programming sa STI-Iba nagpatuloy parin sa pag-aaral at kumuha ng kursong Computer Science sa STI-Olongapo bilang schoolar ng STI-Central at naging working student. Sabi nga niya sa kanyang sarili “salamat at pumutok ka Apo Pinatubo kung hindi di ako nakatapos ng pag-aaral at naabot ko ang aking pangarap”.
Bumalik siya sa kanyang samahan upang maglingkod at tumanaw ng utang na loob. Naglingkod siya ng mahigit dalawang taon maraming nadagdag sa kanyang kaalaman at karanasan lalo na sa larangan ng non-formal education. Naging adviser siya ng sector ng kabataan sa loob ng samahan sumabak din siya sa mga pagsasanay. Ipinadala ng samahan sa UPLB upang mag-aral ng dalawang short course sa agroforestry. Isa rin siya sa mga kabataang naging Instructional Manager ng non-formal education at naging volunteer paralegal ng PANLIPI. Nakabuo sila ng theater na may pangalang ”Biyaheng Ayta” na kung saan ay kasama siya sa namuo bilang stage manager, literacy teacher, at naging grassroot educator. Naging mabunga ang kanyang pagsisikap at pagsasakripisyo bilang isang Ayta, palilingkod sa samahan at kapwa.
Taong 2005 namasukan sa Maynila bilang general clerk ng Foundation for Philippine Environment sa loob ng limang (5) buwan. 2006 inindurso sa Alyansa Tigil Mina bilang volunteer ng anti-mining advocate humigit kumulang ng dalawang taon na naging volunteer at project assistant sa kasalukuyan ay Technical Officer.